Sisimulan na ng pamahalaan ang pamamahagi ng P15,000 na pinansyal na ayuda sa mga kwalipikadong rice traders bago matapos ang linggong ito.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Department of Trade and Industry Assistant Secretary Agaton Uvero, tulong ito ng pamahalaan sa mga apektadong rice traders dahil sa Executive Order No.39 na inparubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa ilalim ng EO, itinatakda ang presyo ng regular milled rice sa P41 kada kilo habang P45 kada kilo naman sa well-milled rice.
Ayon kay Uvero, sumasailalim pa sa berepikasyon ang listahan ng mga maliliit na retialers ng bigas.
Base sa talaan ng DTI, nasa 25,000 ang retailer ng bigas sa buong bansa.
Sabi ni Uvero, ang Department of Social Welfare and Development ang mangangasiwa sa pagbibigay ng pinansyal na ayuda.
Kukunin aniya ang pondo sa Sustainable Livelihood Program sa DSWD.