Gilas Pilipinas Final 12, buo na

 

Mula sa inquirer.net

Mahigit isang linggo bago ang FIBA Olympic qualifying tournament, inanunsyo na sa wakas ang final 12 ng Gilas Pilipinas.

Pasok sina Andray Blatche, June Mar Fajardo, Jayson Castro, Gabe Norwood, Terrence Romeo, Ranidel de Ocampo, Japeth Aguilar, Marc Pingris, Troy Rosario, Ryan Reyes, Ray Parks at Jeff Chan.

Ngunit, ikinagulat naman ng nakararami na hindi nakapasok ang beterano na sa mga internatioanal games na si LA Tenorio at ang malakas ring manlalaro na si Calvin Abueva.

Paliwanag ng kanilang team manager na si Butch Antonio, isang napakahirap na desisyon talaga ang pag-cut ng mga players.

Gayunman, nakakagaan naman din ng pakiramdam aniya na bagaman naging mahirap ang desisyon nila, maluwag naman itong tinanggap ng mga manlalaro.

Read more...