Kyrgyztan, tinamaan ng magnitude 6.3 na lindol

 

Mula sa Google Maps

Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang bansang Kyrgyztan.

Ayon sa Europen Mediterranean Seismological Centre (ESMC) naitala sa 12 milya ang lalim ng lindol.

Namataan din ang episentro nito 75 milya ang layo sa timog-silangan ng Osh.

Dahil sa lakas ng lindol, naramdaman ang pagyanig hanggang sa Kazakhstan, at maging sa Xinjiang province sa northwest China.

Wala pa namang iniuulat na nasaktan o napinsalang istruktura sanhi ng pagyanig.

Read more...