Pangulong Marcos Jr., nag-imbita ng Indonesian traders na mag-invest sa Pilipinas

PCO PHOTO

Jakarta, Indonesia – Nasa $22 milyong investment pledges ang nakuha ni Pangulong  Marcos Jr. sa mga negosyante dito.

Nasa Indonesia si Pangulong Marcos para sa 43rd Association of Southeast Asian Nations Summit and Related Summits.

Sa pakikipagpulong ni Pangulong Marcos Jr., sa mga negosyante sa Indonesia, sinabi ng mga ito na palalawakin nila ang kanilang mga negosyo sa Pilipinas.

Kabilang na ang mga kompanyang may kinalaman sa animal health, artificial intelligence (AI), at digital connectivity.

Nakausap ng Pangulo ang mga top executives ng kompanyang PT Vaksindo Satwa Nusantara, PT WIR Asia Tbk, at Pasifik Satelit Nusantara (PSN).

Ayon kay PT Vaksindo Satwa Nusantara, makikipag-ugnayan ang kanilang hanay sa kanilang local partner na  Univet Nutrition and Animal Healthcare Company (UNAHCO Inc.) Philippines para sa veterinary vaccines kung saan nasa US$2 million investments ang ilalagak ngayong taon.

Target ng kompanya na makagawa ng avian influenza vaccine sa Pilipinas.

Nakausap rin ni Pangulong Marcos ang mga opisyal ng PT WIR Asia Tbk., na maglalagak ng US$20 milyong investment.

Nabatid na ang WIR ay isang kompanya sa Indonesia na nagdi-develop ng augmented reality (AR) technology integrated with virtual reality (VR)at d artificial intelligence (AI).

Ikinukunsidera itong unang Metaverse company sa Indonesia.

Nakausap rin ni Pangulong Marcos si Pasifik Satelit Nusantara (PSN) kung saan nagbigay ito ng update sa memorandum of understanding (MOU) na nilagdaan noong nakaraang taon.

Ito ay may kaugnayan sa laundhing ng satellite sa Disyembre 2023 para mapalakas ang connectivity sa Pilipinas.

 

Read more...