Nagpahayag ng kanyang labis na pag-aalala si Senator Christopher “Bong” Go sa resulta ng pag-aaral na 40 porsiyento lamang ng mga Filipino ang sumasailalim sa regular na taunang medical check-up.
Ibinahagi ni Go na base sa resulta ng Capstone-Intel Corp study, 33 porsiyento sa mga Filipino ang nagpapatingin sa doktor kapag may masamang nararamdaman, 15 porsiyento ang madalang magpasuri sa doktor, pitong porsiyento ang nagpapa-check-up kada dalawa o tatlong taon at may apat na porsiyento na hindi talaga nagpapatingin sa doktor.
Isinagawa ang pag-aaral noong Agosto 1 hanggang 10 at ay may 1,025 respondents na may edad 18 – 65.
Tawag-pansin, ayon kay Go, ang pag-aaral dahil pagpapatunay ito ng pangangailangan na palakasin ang sistemang-pangkalusugan sa bansa.
Kayat isinusulong ng namumuno sa Committee on Health ang mga serbisyo na iniaalok sa mga Super Health Centers tulad ng database management, out-patient care, birthing facilities, isolation units, at diagnostic services.
Dagdag pa nito, ang mga Malasakit Centers sa mga pampublikong ospital sa bansa.