Vatican, itinangging nagku-krusada si Pope Francis laban sa Turkey

 

Inquirer file photo/AP

Mariing itinanggi ng Vatican ang ibinibintang ng mga Turkish na si Pope Francis ay nagpapalaganap ng “mentality of Crusades.”

Nag-ugat ito sa umano’y pagsalarawan ni Pope Francis sa pagpatay sa mga Armenians noong panahon ng Ottoman empire bilang isang “genocide.”

Ayon kay Vatican spokesman Rev. Federico Lombardi, walang anumang sinabi si Pope Francis sa kaniyang pagbisita sa Armenia na laban sa Turkey.

Sa katunayan aniya, nananawagan pa nga ang Santo Papa na magkaayos na ang dalawang bansang nagkaroon ng hidwaan ilang taon na ang nakalilipas.

Tinawag kasing “greatly unfortunate” ni Turkish Deputy Prime Minister Nurettin Canikli ang mga sinabi ni Pope Francis tungkol sa Turkey, at sinabing nagtataglay ito ng “mentality of Crusades.”

Read more...