Jakarta, Indonesia – Kumpiyansa si Indonesian President Joko Widodo na kakayanin ng mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations na makamit ang minimithing “epicentrum of growth.”
Sa opening ceremony, sinabi ni Widodo na kinakailangan lamang ng ASEAN na pagbutihan pa ang pagtatrabaho para maging buo at mas mabilis na makamit ang target.
Sinabi pa ni Widodo na kailangan ang long term technical plan na may kaugnayan sa inaasahan ng mga tao hindi lamang sa susunod na limang taon kundi hanggang sa susunod na 20 taon o hanggang 2045.
Dagdag pa nito, pangunahing responsibilidad ng ASEAN leaders na tiyakin na malagpasan ang mga posibleng kahirapan sa rehiyon at mapanatili ang katatagan tungo sa kapayapaan at kasaganaan.
“ASEAN has tremendous assets to achieve this objective but ASEAN must be able to work harder, become more solid, bolder and more agile,” aniya.