Muling bumilis ang pagtaas ng mga produkto at serbisyo noong nakaraang buwan, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sinabi ni National Statistician Dennis Mapa nakapagtala ng 5.3% inflation noong Agosto mula sa 4.7% noong Hulyo.
Ito ay pumasok pa rin sa ginawang pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na 4.8% hanggang 5.6%.
Ang pagtaas muli matapos ang anim na buwan na pagbaba ay bunga ng serye ng pagtaas ng presyo ng mga produktong-petrolyo at ang pinsalang idinulot ng mga nagdaang kalamidad sa sektor ng agrikultura.
Sa Central Luzon naitala ang pinakamataas na inflation rate na 7% mula sa 5.2% noong Hulyo at pinakamababa sa Eastern Visayas na 3.1%.
“‘Yung vegetables in particular, kapag may typhoons bumababa ang supply. Nagkakaron tayo ng temporary shock sa prices ng vegetables. That happened in last week of July dahil binaha ang ibang parts ng bansa, lalo na sa Region 3,” he said.
Ayon kay Mapa, kasama ang bigas sa mga pangunahing nagpabilis ng inflation.