Kerwin Espinosa pinawalang-sala sa kasong illegal possession of firerams ng Manila court

INQUIRER FILE PHOTO

Nanalo na naman sa isa pang kaso si Kerwin Espinosa.

Pinawalang sala ng Manila Regional Trial Court Branch 16 si Espinosa matapos malitis sa kasong illegal possession of firearms and explosives.

Ayon sa korte nabigo ang panig ng prosekusyon na patunayan ang pagkakasala ni Espinosa dahil walang naiprisinta na ebidensiya na nasa kontrol o hawak nito ang mga armas at bala na nakuha nang salakayin ang kanilang bahay sa Albuera,Leyte noong Agosto, 2016.

Napatay sa operasyon ang ilang tauhan ni dating Albuera Mayor Rolando Espinosa Jr., ama ni Kerwin.

Binawi din ng isa sa mga testigo, si Marcelo Adorco, ang unang sinumpaang-salaysay na bodyguard siya ng nakakabatang Espinosa at pag-aari nito ang mga nasamsam na armas at bala.

Ayon sa korte, si Adorco ay napatunayan na bodyguard ng dating alkalde at walang kinalaman ang nakakabatang Espinosa sa mga armas at bala sa kanilang bahay.

Noon lamang nakaraang Hunyo, pinawalang sala si Espinosa ng isang korte sa Makati City sa kaso ng drug trafficking.

Read more...