Pasay City barangay tanods inayudahan ni Sen. Bong Revilla Jr.

RAMON BONG REVILLA FB PHOTO

Tumanggap ng tulong-pinansiyal mula kay Senator Ramon “Bong’ Revilla Jr., ang mga barangay tanod ng lungsod ng Pasay ngayon araw,

Naganap ang pamamahagi ng ayuda sa Pasay City Astrodome at nasaksihan nina Mayor Emi Calixto-Rubiano at Rep. Antonino Calixto.

Bukod sa mga barangay tanod, nabigyan din ng ayuda ang mga miyembro ng Lupong Tagapamayapa ng mga barangay.

Pinagkalooban ng tig-P1,500 ang 4,020 tanods ng 201 barangays ng lungsod.

Pinapurihan ng senador ang barangay frontliners sa kanilang mga sakripisyo.

Pinagbilinan lamang ni Revilla  ang mga ito na patuloy na magsumikap para mapanitili ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang barangay para matiyak ang kaligtasan ng mga residente.

 

 

Read more...