Sa huling linggo ng Agosto hanggang sa unang tatlong araw ng Setyembre, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 780 bagong kaso ng COVID 19 sa bansa.
Sa inilabas na impormasyon ng kagawaran, sa naturang bilang, ang huling naging daily average ay 111, na mas mababa ng tatlong porsiyento kumpara sa naitala noong Agosto 21 hanggang 27.
Sa mga bagong kaso, 10 ang malubha at kritikal ang kalagayan, samantalang lima ang nasawi mula Agosto 21 hanggang Setyembre 3.
Patuloy ang paalala ng DOH sa publiko na huwag maging kampante at sumunod pa rin sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1.
Samantala, hanggang kahapon may 291 na active cases ang malubha at kritikal ang kondisyon na ginagamot sa mga ospital.
MOST READ
LATEST STORIES