Bahagyang lumakas at bumilis ang Bagyong Hanna habang kumikilos sa hilagang bahagi ng Sea East of Taiwan.
Base sa 11:00 a.m. advisory ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, namataan ang sentro ng bagyo sa 455 kilometro sa silangan hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.
Kumikilos ang bagyo sa kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Taglay ng bagyo ang hangin na 130 kilometro kada oras at pagbugso na 160 kilometro kada oras.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes.
Asahan na ang malakas na ulan sa mga lugar na apektado ng bagyo.
MOST READ
LATEST STORIES