P504 milyong halaga ng agrikultura nasira ng Bagyong Goring

 

Umabot na sa P504.4 milyong halaga ng agrikultura ang nasira dahil saa Bagyong Goring.

Ayon sa Department of Agriculture, nasa 11,965 na magsasaka ang naapektuhan ng bagyo.

Nasa 21,134 metrikong tonelada ng produktong agrikultura ang nasira habang nasa 20,000 ektaryang sakahan ang naapektuhan.

Kabilang sa mga nasira ang pananim ng palay, mais, gulay, high value crops at livestock.

Patuloy na nagsasagawa ng assessment ang DA para mabatid ang lawak ng pinsala ng bagyo.

Sa ngayon, nasa P100 milyong halaga ng binhi, buto ng mais at gulay ang ipamamahagi ng DA.

Mayroon na ring nakahanda na drugs at biologics para sa mga apektadong livestock at poultry.

Maaring mag-loan ang mga apektadong magsasaka at mangingisda ng hanggang P25,000 ng walang interes at maaring bayaran sa loob ng tatlong taon.

Pinapayuhan ang mga apektadong magsasaka at mangingisda na magtungo lamang sa tanggapan ng DA para mabigyan ng ayuda.

 

Read more...