Duterte, magpapaalam na sa mga taga-Davao City Hall

 

Inquirer file photo

Nakatakdang magpaalam si President-elect Rodrigo Duterte sa mga empleyado ng Davao City hall bukas (June 27).

Inaasahang dadalo ang outgoing Davao City Mayor sa flag-raising ceremony, na dadaluhan ang mga city hall employee na nakasama ni Duterte sa ilang taong panunungkulan nito sa siyudad.

Sa June 30, 2016, pormal nang uupo si Duterte bilang ika-labing anim na Pangulo ng Pililipinas.

Sa loob ng dalawampu’t dalawang taon, nagsilbi si Duterte bilang Alkalde at Bise Alkalde, at Kongresista rin ng isang termino.

Noong Mayor pa si Duterte, malimit siyang nag-oopisina sa city hall dahil mas gusto niyang bumibisita sa mga constituent at personal na inaalam ang sitwasyon ng mga kababayan.

Kilala rin ng city hall employees si Duterte sa pagiging kuripot, at halimbawa rito ang utos nito na magsagawa lamang ng simpleng Christmas parties.

Marami rin umanong natulungang empleyado si Duterte, sa pamamagitan ng pagpapa-iwas sa mga ito sa 5/6, at paglalaan ng seed money na alinsunod sa itinatakda ng Commission on Audit.

Bagama’t aalis na sa city hall si Duterte, hahalili naman sa kanya sa posiyon ang anak na si Mayor-elect Sara Duterte.

 

Read more...