12 ahensiya hiningian ng SC ng ulat ukol sa Manila Bay rehab at reclamation projects

Inatasan ng Korte Suprema ang 12 ahensiya ng gobyerno na magsumite ng ulat kaugnay sa rehabilitasyon at reclamation projects sa Manila Bay.   Nais malaman ng Korte Suprema kung ano ang epekto o implikasyon ng mga proyekto sa kondisyon ng Manila Bay.   Sa pahayag, hiningi ng SC ang detalye kung paano nasusukat ang antas ng polusyon sa Manila Bay at kung ano ang mga istratehiya para malinis ito.   Ilan sa mga hiningian ng ulat ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA); Departments of Environment and Natural Resources, Education, Health, Agriculture, Public Works and Highways, Budget and Management, Interior and Local Government; ang Philippine Coast Guard, PNP – Maritime Group, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), at ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).   Magsasagawa din ang mga mahistrado ng “oral arguments” ukol sa Manila Bay pollution case.   Noong 2008, inatasan ng SC ang mga kinauukulang ahensiya na linisin ang Manila Bay at makalipas ang tatlong taon ay inatasan ang mga ahensiya na sundin ang lahat ng mga direktiba na may kaugnayan sa naturang utos.

Read more...