Credit assistance sa OWFs inihirit ni Sen. Lito Lapid

Hiniling ni Senator Lito Lapid na magkaroon ng credit assistance para sa overseas Filipino workers (OFWs).   Sa inihain niyang Senate Bill 2390 o ang An Act Establishing a Credit Assistance Program for OFWs, paliwanag ni Lapid na ito ay pagkilala sa kontribusyon sa ekonomiya ng Pilipinas ng mga Filipino na nagta-trabaho sa ibang bansa.   Paliwanag niya sa kanyang panukala, maaring umutang ang kuwalipikadong OFW ng hanggang P50.000 sa  Overseas Worker and Welfare Administration (OWWA). Ang halaga, dagdag pa ni Lapid, ay para may panggastos ang pamilya sa unang tatlong buwan na pagta-trabaho ng OFW sa ibang bansa at kasama na dito ang kanyang mga nagasto sa pag-apply sa trabaho. Ang utang ay babayaran kada buwan sa loob ng isang tao o hanggang dalawang taon na ang interes ay hindi dapat hihigit sa anim na porsiyento kada taon. “Mabibigyan natin ng kaukulang tulong ang mga OFWs sa pamamagitan ng CAP na magkakroon sila ng mas mabilis na access sa serbisyo at maibsan ang mahaba at matagal na proseso sa pangungutang ng pondo,” diin nito.   Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, umabot sa $31.418 billion ang remittances ng OFWs noong 2021.

Read more...