QC Police District, PNP – PIO may mga bagong director

Dalawang opisyal ng PNP – Public Information Office (PIO) ang nabigyan ng bagong puwesto. Itinalaga si Police Brig. General Redrico Maranan bilang bagong director ng Quezon City Police District (QCPD) kapalit ng nagbitiw na si Police Brig. General Nicolas Torre III.   Ang iniwang puwesto naman ni Maranan na director ng PNP – PIO ay ibinigay kay PNP spokesperson, Col. Jean Fajardo.   Si Fajardo ang unang babaeng tagapagsalita ng pambansang-pulisya at siya na rin ang kauna-unahang babae na mamumuno sa PNP-PIO.   Nagbitiw si Torre sa puwesto matapos umani ng mga batikos sa pagharap nila ng road rage suspect na si Wilfredo Gonzales sa isang pulong-balitaan.   Mismong si Quezon City Mayor Joy Belmonte ay hindi natuwa sa ginawa ng hepe ng pulisya ng lungsod.

Read more...