Klase, trabaho sa mga ahensiya ng gobyerno sinuspindi ng Palasyo

Bunga ng patuloy na pag-ulan na dulot ng habagat, na pinaigting ng super bagyong Goring at bagong bagyong Hanna, sinuspindi ngayon alas-3 ng hapon  ang paso sa mga tanggapan at ahensiya ng gobyerno.

Nakasaad din sa  Memorandum Circular No. 29 na inilabas ng Office of the President, na suspindido na rin ang mga klase sa lahat ng antas.

Base ang hakbang sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ngunit magpapatuloy ang operasyon ng mga ahensiya na mandato ang magbigay at maghatid ng tulong, rumesponde sa kalamidad at mahahalagang gawain.

Samantala, ang suspensyon o pagpapatuloy ng mga  trabaho naman sa pribadong sektor ay depende sa pamunuan ng kompaniya.

 

Read more...