P160.3-M halaga ng smuggled cigarettes nasamsam sa Tawi-Tawi
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Naharang ng mga tauhan ng Philippine Navy sa karagatan ng Tandubas, Tawi-Tawi ang isang bangka na naglalaman ng mga ipinuslit na sigarilyo.
Ang pagpigil sa M/B Indah Nadz sa may Baturapac Island ay base sa ibinahaging intelligence report ng Bureau of Customs.
Nadiskubre sa bangka ang 2,798 master cases ng Oakley Original” brand cigarettes.
Nabigo ang 12 tripulante na magpakita ng anumang dokuemento na magpapatunay na legal ang kanilang kargamento, gayundin ang importasyon ng mga sigarilyo.
Binatak ang bangka patungo sa Zamboanga City at inimbak ang mga sigarilyo sa isang bodega sa Barangay Tetuan habang hinihintay ang warrant and seizure orders.