Batay sa impormasyon mula sa Department of Energy o DOE, 70 hanggang 85 centavos ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.
45 hanggang 50 centavos naman ang pagtaas sa bawat litro ng diesel, habang 40 hanggang 50 centavos na price hike sa kada litro ng kerosene.
Noong June 21, 2016, karamihan sa mga kumpanya ng langis ay nagpatupad ng oil price rollback sa produktong gasolina, diesel at kerosene.
Ang price adjustments ay bunsod ng paggalaw sa halaga ng langis sa pandaigdigang merkado.
MOST READ
LATEST STORIES