Trabaho sa ilang tanggapan ng Comelec sinuspindi

FILE PHOTO

Suspendido ang trabaho ngayong araw sa mga tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa National Capital Region, Abra at Ilocos Norte.

Ito ay dahil sa mga pagbaha dahil sa masamang lagay ng panahon. Ayon kay  Chairman George Erwin Garcia, suspendido rin ang filing ng certificate of candidacy (COC) sa mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Metro Manila. Ayon kay Garcia extended ang filing COC hanggang Setyembre 3 ng ala-5 ng hapon. Nagsimula ang filing ng COC noong Agosto 28 at tatagal ng hanggang Setyembre 2.

Read more...