Pasok sa mga eskuwelahan sa ilang lungsod sa Metro Manila, sinuspindi
By: Chona Yu
- 1 year ago
Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan ngayong araw ng sa Caloocan City dahil sa masamang lagay ng panahon.
Ayon sa pahayag ng lokal na pamahalaan, ang kanselasyon ng klase ay batay sa rekomendasyon ng Caloocan Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatiling alerto.
Ayon pa sa Caloocan City, maaring tumawag sa hotline ng Alert and Monitoring Operations Center na (02) 888-ALONG (25664) para sa agarang pangangailangan ng tulong.
Samantala, nagdeklara na rin ang pamahalaang-lungsod ng Maynila na walang pasok sa mga eskuwelahan, pampubliko at pribado.
Pinakilos na rin ni Mayor Honey Lacuna ang Oplan Libreng Sakay para sa mga stranded na pasahero dahil maraming kalsada sa lungsod ang lubog sa tubig-baha.
Samanatala, wala din pasok sa ilang eskuwelahan sa Quezon City dahil sa malakas na pag-ulan.
Kabilang sa mga eskwelahan na walang pasok ang Betty Go Elementary School. Brgy. Bagong Silangan (Morning Class), Brgy. Batasan Hills, Brgy. Payatas ( Pre-school hanggang Senior High School), Brgy. Holy Spirit, Brgy. New Era, at Bgy. Tandang Sora.
Suspendido rin ang klase sa lahat ng antas, pre-school hanggang kolehiyo sa pampubliko at pribadong eskwelahan sa Navotas City, gayundin sa Pasay City, Muntinlupa City, Taguig City at Pateros.