Habagat pinaiigting ng tatlong bagyo

Tatlong araw na magiging maulan sa kanlurang bahagi ng Luzon dahil sa habagat. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) pinaiigting ang habagat ng bagyong Goring, na ngayon ay nasa labas na ng Philippine area of responsibility (PAR), ng dalawang Tropical Storm, Hanna at Kirogi. Ang bagyong Hanna ay huling namataan sa distansiyang 1,225 kilometro Silangan ng Northern Luzon, samantalang ang Kirogi naman ay nasa labas pa ng PAR. Maaring makaranas na malakas na bugso ng hangin ngayon at bukas sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Aurora, Bulacan, Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, at hilagang bahagi ng Eastern Visayas. At magpapatuloy ito sa Sabado sa ambales, Bataan, Bulacan, Aurora, Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, at hilagang bahagi ng  Eastern Visayas.

Read more...