Ayuda sa mga biktima ng pagbaha sa Western Visayas ibibigay ng DSWD

ANTIQUE LGU PHOTO

Ipinag-utos ni Social Welfare  Secretary Rex Gatchalian ang pamamahagi ng 55,000 family food packs sa mga biktima ng malakas na pag-ulan at baha sa Region 6.

Nais ni  Gatchalian sa  Disaster Response and Management Group (DRMG) na tapusin agad ang pamamahagi ng family food packs sa Antique, Iloilo, Capiz at Negros Occidental. “Plot out a delivery plan for the 55,000 food packs bound for Western Visayas. Update me on this,” utos ni Gatchalian kay  DRMG Asst. Secretary Marlon Alagao. Sa ngayon mayroong P1.9 bilyong standby fund ang DSWD.

Read more...