Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Marcos Jr. sa pamilyang nauilala ng batikang brodkaster na si Mike Enriquez.
Ayon kay Pangulong Marcos Jr., malungkot na balita ang pagpanaw ng isa sa mga haligi ng pamamahayag. “We are saddened by news of the passing of veteran anchor Mike Enriquez, a pillar in our broadcasting industry. He dedicated his life to delivering unbiased news to the Filipino people. Our heartfelt thoughts are with his family and loved ones during this time, ” pahayag ni Pangulong Marcos. Samantala, sinabi naman ni Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil na isa si Enriquez sa mga itinuturing na kasangga sa paghahatid ng balita. “Tayo ay nakikiramay sa pamilya at mga kaanak na naiwan ng ating kaibigan sa media na si Mike Enriquez. Si Mike ay isa sa mga mamamahayag na ating itinuturing na kasangga sa paghahatid ng tapat at walang kinikilingang balita,” pahayag ni Garafil. “Tunay na ang kanyang kontribusyon sa larangan ng pagbabalita ay hindi matatawaran,” dagdag ng kalihim.MOST READ
LATEST STORIES