Oil slicks mula sa lumubog na fishing vessel sa Batangas napansin ng PCG

Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang naobserbahan na oil slicks sa karagatan ng Calatagan, Batangas at pinaniniwalaan na mula ito sa lumubog na sasakyang pangisda.

Sinabi ni PCG Southern Tagalog District Commander Geronimo Tuvilla na ang tumagas na langis mula sa F/V Anita DJ II ay hindi pa umaabot sa dalampasigan.

Lumubog noong nakaraang araw ng linggo ang naturang sasakyang-pandagat, pitong milya mula sa Cape Santiago, na sakop ng Barangay Bagong Silang.

Ayon pa sa opisyal gumamit na sila ng water cannons para mawala ang “oil slicks.”

Dagdag pa ni Tuvilla na hindi pa kailangan sa ngayon ang pagsasagawa ng “clean up.”

Read more...