Sinampahan ng pambansang pulisya ng reklamong “alarm and scandal” ang dating pulis na nasangkot sa isang insidente ng “road rage” sa Quezon City noong Agosto 8.
Kasabay nito ang panghihikayat sa siklista na nakaalitan ni Wilfredo Gonzales na magreklamo para sa mga mabibigat na kaso.
Una nang sinabi ni Interior Sec. Benhur Abalos na kahit nagkasundo na si Gonzales at ang siklista, maari pa rin itong kasuhan ng pambansang-pulisya.
Una nang humarap sa publiko si Gonzales at ibinahagi na nagka-ayos na sila ng kanyang biktima.
Sinuspindi na rin ng Land Transportation Office (LTO) ang kanyang driver’s license at pinadalhan na ito ng show cause order para ipaliwanag ang pangyayari.
Suspindido na rin ang mga dokumento ukol sa pagdadala ni Gonzales ng baril.