DTI Food Action Agenda aprub kay Pangulong Marcos Jr.

FILE PHOTO

Aprubado kay Pangulong  Marcos Jr. ang 3-Year Food Logistics Action Agenda ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ginawa ito ng Punong Ehekutibo sa  pakikipagpulong sa mga opisyal ng DTI, Department of Agriculture (DA), Department of Public Works and Highways (DPWH, at Department of the Interior and Local Government. Layon ng plano na baguhin ang sistema ng distribusyon ng pagkain, mapababa ang  halaga ng transportasyon ng mga ito  at matiyak ang epektibong food supply chain. Nais  ni Pangulong Marcos Jr.,  na magkaroon ng mga imprastraktura para mapabilis ang pagdadala ng ani ng mga magsasaka sa isang lugar na mayroon ding mga pasilidad para maiwasan ang pagkasira ng mga produkto. Sa ganitong paraan, masisiguro aniya ang kita ng mga magsasaka na magreresulta rin sa murang mga bilihin. Gayundin, mapangangasiwaan ang demand at supply ng mga produkto sa bawat lugar dahil matutukoy kung saan may sobra o may kulang na partikular na mga produkto. Target ni Pangulong  Marcos sa hakbang na ito na gawin ang Pilipinas bilang logistics hub sa Asya.

Read more...