Isasantabi na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang plano na magkaroon ng iisang linya para sa mga bisikleta at motorsiklo sa EDSA. Kasunod ito nang kabiguan na magkasundo ang grupo ng mga cyclist at rider. Sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na kailangan nilang pag-aralan ang iba maaaring opsyon. Isa na ang pagpapatayo ng ng elevated walkway para sa mga nagbi-bisikleta, maging para sa pedestrians, upang mabawasan din ang trapiko sa EDSA. Ipinatawag ang pag-uusap ng dalawang grupo dahil sa mga reklamo na maraming riders ang gumagamit ng bike lane, gayundin ang ibang motorista. Pagbabahagi ng opisyal may 160,000 riders ang tumatahak sa kahabaan ng EDSA at marami ang gumagamit ng bike lane.
MOST READ
LATEST STORIES