Hinikayat ni Senator Imee Marcos ang Department of Trade and Industry (DTI) na dalasan ang pagsasagawa ng surprise inspections sa mga nagtitinda ng mga gamit pang-eskuwela dahil sa mataas na presyo. Sinabi ni Marcos na nagtaas ng presyo ang mga nagtitinda sa kabila ng pagkakaroon ng price guide na inilabas ng DTI isang buwan na ang nakakalipas. Puna ng senadora tumaas nang tumaas ang presyo ng mga gamit isang linggo bago ang pagsisimula muli ng mga klase. Kumagat na aniya ang mga magulang maging ang mga guro para makumpleto na ang gamit ng kanilang anak at gamit sa pagtuturo. “Inisnab ng mga tindera ang price guide,” ani Marcos sa pagtukoy sa “Gabay sa Pamimili ng School Supplies sa 2023 ng DTI> Pagbabahagi niya sa monitoring ng kanyang opisina, ang mga notebook ay nagmahal sa P23 hanggang P60 mula sa dapat na P23 hanggang P52 lamang. “Ilang magulang ang mismo nang nagsabi na wala rin silang nagawa kahit ipamukha sa mga tindera ang price guide ng DTI,” sabi pa ni Marcos.