Pinoy-made na hybrid train ibinida ng PNR

pnr-dost-1024x768
Inquirer file photo

Ipinakita sa publiko ng Department of Science and Technology (DOST) ang kauna-unahang Filipino-made na hybrid train.

Ayon kay DOST Sec. Mario Montejo, tatlong taon ang inabot bago nabuo ang prototype na pinatatakbo ng Diesel at kuryente.

Sa initial run ng nasabing tren, umabot sa 30KPH ang kanyang naging takbo na tumawak sa halos ay isang kilometro ng riles na sinaksihan ng mga miyembro ng media.

Paliwanag ni Montejo, hindi nila isinagad ang pagpapatakbo sa makina ng tren dahil kailangan pa nitong dumaan sa commissioning requirements.

Hindi pa mapapakinabangan ng publiko ang nasabing tren dahil kailangan pang mapatunayan ang tibay at kaligtasan nito para sa publiko.

Sa pahayag ni Philippine National Railways Chairman Manuel Torres, pagkatapos pa ng limang buwan masasakyan ng publiko ang mga hybrid trains na tatakbo sa rutang Tutuban-Calamba.

Bukod sa pagiging fuel-efficient, environmentally-friendly rin ang naturang train system na magiging kapalit ng mga lumang tren ng PNR.

Read more...