Pagbenta sa Emmy trophy ni Whitney Houston pinigil ng hukuman

whitney-houston-performance-2004-billboard-1548 (1)
Billboard

Hinarang ni U.S District Judge Percy Anderson ang pagbenta ng Emmy Award Trophy ni Whitney Houston matapos itong isama ng pamilya ng namapayang singer sa isang auction.

Nag-isyu ng Temporary Restraining Order (TRO) si Anderson laban sa Heritage Auctions at sa estate ni Houston na planong ibenta ang nasabing trophy.

Napanalunan ni Houston ang Emmy Award noong 1986 para sa kanyang performance ng “Saving All My Love For You” sa isang Grammy ceremony.

Nakasaad sa ruling ni Anderson na ang preliminary owner ng naturang award ay ang Academy of Television Arts & Sciences.

Nag-set si Anderson ng panibagong hearing sa July 27 para i-extend ang ipinalabas na order.

Ayon naman sa spokesperson ng Heritage Auctions na si Eric Bradley, susunod daw sila s autos ng hukuman.

Namatay si Houston noong 2012 sa edad na 48.

Read more...