Davao Oriental nilindol

Davao City mapNiyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Davao Oriental pati na rin ang Davao City.

Sa bulletin na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, ang nasabing tectonic quake ay naganap ng 2:40 pm.

Ang epicenter ng lindol ay sinasabing nasa dalawang kilometro hilagang kanluran a bayan ng Governor Generoso.

Walang naitala na mga pinsala sa mga lugar na apektado ng pagyanig ngunit ang mga tao na sa loob ng isang mall sa Davao City ay agad na naglabasan ng umuga ang kanilang paligid.

Ayon sa Philvolcs, naramdaman ang Intensity III sa Davao City at inaasahan ang mga aftershocks.

Wala namang inilabas na tsunami alert ang mga otoridad makalipas ang pagyanig.

Read more...