DSWD namahagi ng food packs sa mga biktima ng Bagyong Goring

 

(Photo: DSWD)

Namahagi ang Department of Social Welfare and Development ng 86 family food packs sa mga biktima ng Bagyong Goring sa Cagayan Valley.

Ayon kay DSWD Region 2 Director Lucia Alan, bukod sa mga family food packs, namigay din ng instant meals gaya ng champorado at arroz caldo sa mga residente sa bayan ng Sto. Domingo.

Namahagi naman ang DSWD Field Office 2 ng 397 kahon ng family food packs sa Aparri, 79 na family food packs sa Lasam at siyam na family food packs sa Baggao, Cagayan.

Namahagi rin ang DSWD ng food packs sa mga evacuees sa bayan ng Reina Mercedes at Maconacon sa Isabela.

 

 

Read more...