Balut Island niyanig ng 5.5 magnitude na lindol

 

Niyanig ng 5.5 magnitude na lindol ang Balut Island, Sarangani kaninang 1:59 ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 15 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Tupi sa South Cotabato at Malungon at Kiamba sa Sarangani.

Bago ito, niyanig na ng 4.1 magnitude na lindol ang Balut Island ng 1:51 ng umaga.

 

Read more...