Hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang sambayanang Filipino na pahalagahan at ipagmalaki ang tinatamasang kalayaan ng bansa.
Sa pagdalo ni Pangulong Marcos sa Araw ng mga Bayani sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, sinabi nito na dahil sa katapangan at sakripisyo ng mga ninunong bayani, tinatamasa ngayon ng bawat isa ang kalayaan.
Hinamon din ni Pangulong Marcos ang bawat isa na maging bayani sa sariling gawa sa pamamagitan ng pagiging tapat, masigasig at may malasakit.
Binigyang diin ng Pangulo na kayang maging bayani ng bawat isa sa pagtataguyod ng kapakanan ng kanilang pamilya at komunidad.
Umaasa ang Pangulo na ang kabayanihan ng mga Filipino ang magpapa-alab sa mithiing makamit ang bagong Pilipinas na malakas, maunlad, matatag at ligtas para sa kasalukuyan at mga susunod pang henerasyon.
“As we recognize our forebears whose uncelebrated legacies our society is built on, let us also realize our own power to become heroes for our families and communities. May this consciousness then ignite us to be dedicated in our agenda of creating a new Philippines that is strong, prosperous, resilient, and secure for present and future generations,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“In the multitude of activities and responsibilities that fill our daily lives, we tend to forget the many heroes and heroines responsible for all the liberties we enjoy today. While we do dedicate time each year to commemorate the notable names that fill our history books, it is just as crucial to remember the lives and deeds of the many lesser-known and unnamed Filipinos who played pivotal roles in shaping our nation,” dagdag ng Pangulo.