Naging emosyonal si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nang magbigay ng eulogy sa namapayapang Migrant Workers Secretary Susan Ople.
Nagbigay ng eulogy si Pangulong Marcos nang dalhin ang mga labi ni Ople sa Palasyo ng Malakanyang.
Naluha ang Pangulo habang sinasariwa ang pagkakaibigan nil ani Ople at ang buong paglilingkod ng kalihim sa sambayanang Filipino.
Sabi ng Pangulo, malaking kawalan sa kanya at ng bansa si Ople na kilalang may tunay na malasakit sa mga overseas Filipino workers at kanilang pamilya.
Pag-amin ng Pangulo, mahirap humanap ng kapalit ni Ople.
Sabi ng Pangulo, maaring may mahanap na kapalit pero hindi mapapalitan ang isang “Toots Ople.”
Hindi na kasi kailangan aniyang utusan si Ople dahil kabisado na ang gagawin nito.
“We must mention a dear and departed friend who we can only describe as well as a hero and that is our good friend who we just lost, Secretary Toots Ople. And she is a perfect example of what true heroism can be. She tirelessly dedicated the better part of her life to promote the welfare of our modern-day heroes,” pahayag ni Pangulong Marcos.