Cagayan at Isabela isinailalim sa Signal No. 3 dahil sa Bagyong Goring

 

Lumakas pa ang Bagyong Goring.

Base sa 11:00 a.m. advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, kumikilos ang bagyo sa timog timog-kanluran ng Sea East ng Babuyan Islands.

Namataan ang sentro ng bagyo sa 155 kilometro sa silangan ng Aparri, Cagayan.

Taglay ng bagyo ang hangin na 150 kilometro kada oras at pagbugso na 185 kilometro kada oras.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa hilagang-silangan bahagi ng Cagayan (Santa Ana) at silangang bahagi ng Isabela (Divilacan, Palanan).

Nakataas ang Tropical Wind Signal No. 2 silangang bahagi ng Isabela (Dinapigue, San Mariano, Ilagan City, Maconacon, Cabagan, Tumauini, San Pablo), silangang bahagi ng Cagayan (Peñablanca, Baggao, Gattaran, Lal-Lo, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey), at hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran).

Nakataas ang Tropical Wind Signal No. 1 sa Batanes, natitirang bahagi ng Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, sentrong bahagi ng Aurora (Dinalungan, Dipaculao), Quirino, natitirang bahagi ng Isabela, Apayao, silangang bahagi ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Diadi, Bagabag, Solano, Villaverde), silangang bahagi ng Ifugao (Lamut, Lagawe, Hingyon, Banaue, Mayoyao, Aguinaldo, Alfonso Lista), silangang bahagi ng Mountain Province (Barlig, Natonin, Paracelis), at Kalinga.

Pinapayuhan ang mga residente na mag-ingat.

 

Read more...