Marcos sa Gilas Pilipinas: World class ang Filipino athleticism

 

World class.

Ito ang naging pagbati ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Gilas Pilipinas sa pakikipaglaban sa Dominican Republic sa pagbubukas ng 2023 Fiba World Cup sa Philippine Arena kagabi sa Bocaue, Bulacan.

Tinalo ng Dominican Republic ang Gilas Pilipinas sa iskor na 87-81.

Ayon kay Pangulong Marcos, pinatunayan ng Gilas Pilipinas na ang Filipino athleticism ay pang world class.

“A valiant effort by Gilas Pilipinas! Already you have proven that Filipino athleticism is world class,” sabi ni Pangulong Marcos.

“The nation stands in full support of your 2023 FIBA World Cup journey. Congratulations as well to every attendee who helped set a new crowd record!” pahayag ni Pangulong Marcos.

Hawak ngayon ng Pilipinas ang world record na may pinakamaramong nanood sa World Cup na umabot sa mahigit 38,000 na katao.

 

Read more...