Patuloy na lumakas ang Tropical Storm Goring.
Base sa 11:00 a.m. advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, namataan ang sentro ng bagyo sa 225 kilometro Silangan timog-silangan Basco, Batanes.
Taglay ng bagyo ang hangin na 85 kilometro kada oras at pagbugso na 105 kilometro kada oras.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes, silangang bahagi ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Camiguin Is.), silangang bahagi ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri), at silangang bahagi ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan, Dinapigue, San Mariano, San Pablo, Cabagan, Tumauini, Ilagan City).
Asahan na ang malakas na pag-ulan sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.