Pinaglabanan Shrine, 2 public parks sa San Juan City, off-limits sa mga naninigarilyo, vape users

 

Upang ipakita ang kaseryosohan na mapanatiling 100% non-smoking areas ang Pinaglabanan Shrine at dalawa pang public parks sa kanilang lungsod, inatasan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang mga kawani ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) na magsilbing “anti-smoking police.”

Isinama na ni Zamora sa mga trabaho ng CENRO employees ang pagbabantay sa Pinaglabanan Shrine, San Juan City Mini Park at El Polverin Linear Park na idineklarang “100% no smoking zones” sa lungsod.

Katuwang at suportado ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang proyekto, na kauna-unahan sa isang lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

Ibinilin ni Zamora na bukod sa mahigpit na pagbabantay, wala rin sasantuhin ang CENRO employees sa paghuli sa mga lalabag, maging mga opisyal ng lungsod ay bibigyan ng tiket at kapag pumalag ay maaring direktang isumbong sa kanya.

Ginawa aniya nila ang hakbang para sa promosyon ng “healthy lifestyle” sa kanyang mga kalungsod, lalo na sa hanay ng mga kabataan.

Naka-angkla naman ito sa probisyon ng RA 9211 o ang Tobacco Regulation Act of 2003 at Executive Order 26, bukod pa sa City Ordinance No. 5

Nabatid na P1,000 hanggang P3,000 ang multa sa mga mahuhuling naninigarilyo sa “designated no smoking areas” sa lungsod.

Read more...