Naniniwala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may malaking impact sa 2025 midterm election ang Barangay at Sangguniang Kabataan election sa Oktubre 30.
Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa oath taking ng mga bagong miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi nito na kailangan ng mga kakandidato sa midterm election ang suporta ng mga barangay at SK officials.
Magdadala aniya ng malaking epekto sa 2025 election ang resulta ng Barangay at SK election.
Sabi ng Pangulo, todo paghahanda ang ginagawa ng pamahalaan para sa eleksyon.
Ayon sa Pangulo, malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng matibay na partido.
Patuloy aniyang makikipag-ugnayan ang PFP sa iba pang para sa posibleng pagtutulungan.
MOST READ
LATEST STORIES