Taguig school supplies, ipamamahagi sa EMBO schools; scholarships inilarga
By: Chona Yu
- 1 year ago
Handa na ang lokal na pamahalaan ng Taguig na mamigay ng school supplies at scholarships para sa mga estudyante sa 14 na EMBO schools na dating saklaw ng Makati City.
Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, handa na ang kanilang hanay sa pagbubukas ng klase sa Agosto 29.
Nabatid na ang school package na ibinibigay ng Taguig sa mga paaralan ay nakadepende sa grade level ng mga estudyante.
Kabilang sa mga ipinamimigay ng Taguig ang bag, daily at PE uniforms, medyas , black shoes, rubber shoes at kumpletong set ng basic school supplies.
Sa daycare, kinder at elementary ay makakataggap ng 3 set ng uniform at isang set ng P.E . uniform kung saan susukatan ang mga estudyante para dito, black shoes sa high school at rubber shoes sa mga pre school.
Kumpleto din ang school kit na kinabibilangan ng backpack, writing notebook , composition notebooks, pad paper, jumbo crayons, 3 pencil, eraser, sharpener, scissor,ballpen,correction tape, fastener, art paper, glue rules, plastic envelope na may handle, emergency contact card, health kit bag, toothbrush, toothpaste, hand towel at alcohol spray.
Isa ang high school student na si Faith Nicole Daguio sa nakatanggap ng school package.
Ayon kay Daguio, kinabahan siya nang malaman na ililipat na sa Taguig ang pamamahala ng 14 na eskwelahan dahil sa posibilidad na mawala ang mga school benefits.
Pero ayon kay Daguio, nawala ang kanyang agam-agam dahil mamahagi naman si Cayetano ng school supplies.
“More than the material things na itu-turn over, ang presence po natin ngayon ay testament sa kahandaan nating lahat to really support our learners, to really support their dreams and aspirations in life, and to do our best to show them that we are ready to cooperate—handa tayong magkaisa pag ang pinag-usapan ay ang kanilang future,” pahayag ni Cayetano.
Sinabi naman ni Pitogo High School Administrative Officer Dr. Mary Rose M. Roque na ang pagtanggap nila ng school supplies sa Taguig ay hudyat ng pagtanggap nila sa pagbabago.
“”It’s day of significance, a day that we come together to welcome and embrace change, growth and the promise of the future.The act of receiving these supplies signifies the transition of one phase to another, a transition that is marked by anticipation, enthusiasm, and a sense of readiness, to explore the uncharted territories of knowledge. Therefore equipping our very own students the means to express themselves and flourish,” pagtatapos pa ni Roque.
Samantala, inilarga na din ng Taguig ang kanilang Lifeline Assistance for Neighbors In-need (LANI) Scholarship Program para sa mga estudyante ng EMBO.
“The City will be offering scholarships not only to Senior High School graduates, but to all qualified residents of the city’s 10 new barangays,” ayon sa Taguig.
Hindi gaya sa Makati, hindi limitado sa 10% ng graduating class ang alok na scholarship ng Taguig bagkus bukas ito sa lahat ng year levels at hanggng sa nagrerebyu ng licensure examinations at post graduate studies.
May honor man o wala ang mga high school graduates ay maaring mag apply ng P15,000 hanggang P50,000 kada taon.
Nasa P40,000 hanggang P50,000 naman kada taon ang makukuha na scholarship sa mga gustong mag-aral sa premier colleges at universities at P15,000 sa mga gustong kumuha ng technical at vocational courses.
Sa mga nagrerebyu ng board at bar exams ay mayroong one-time assistance na P15,000 hanggang P20,000 at dagdag na P50,000 pa kung papasok sa Top 10. Nasa 3,200 licensed professionals na ang nakinabang sa nasabing programa.
Sa mga kumukuha ng Masters’ at Doctoral Degrees ay P18,000 hanggang P60,000 habang may tulong din na P50,000 na Thesis and Dissertation Grant o sa kabuuan ay nasa P110,000.
Para sa kumpletong listahan ng scholarship offerings at requirements ay bisitahin lang ang taguig.gov.ph o Taguig Scholarships official Facebook page.