Ganap nang naging Tropical Depression Goring ang low pressure area na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nasa Philippine Sea East of Aparri, Cagayan.
Base sa 5:00 a.m. advisory ng PAGASA, namataan ang sentro ng tropical depression sa 400 kilometro silangan hilagang-silangan ng Aparri, Cagayan.
Taglay ng tropical depression ang hangin na 55 kilometro kada oras at pagbugso na 70 kilometro kada oras.
Mabagal na kumikilos ang tropical depression sa kanluran hilagang-kanluran.
Wala pa namang itinataas na Tropical Cyclone Wind Signal ang PAGASA.
Asahan na ang malakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa sa susunod na tatlong araw.
MOST READ
LATEST STORIES