Sen. Bong Go siniguro ang pagtaas ng 2024 budget ng DOH

Tiniyak ni Senator Christopher “Bong” Go na madadagdagan ang budget sa susunod na taon ng Department of Health (DOH).

Nangako ang senador na tutukan ang 2024 budget ng kagawaran kapag umabot na ito sa deliberasyon sa Senado.

Siniguro din niya na maibabalik ang tinapyas na pondo ng kagawaran, patukoy sa P10 bilyon na inalis ng Budget Department sa 2024 Natonal Expenditure Program (NEP).

Ikinabahala ni Go ang hakbang ng DBM dahil aniya nagsisimula pa lamang bumangon ang bansa sa pandemya dulot ng COVID 19.

Aniya nangangailangan pa ang mamamayan ng tugon ng gobyerno upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan.

Iginiit pa ng namumuno sa Senate Committee on Health na dapat ay tinitiyak ng gobyerno na may sapat na pondo para sa kalusugan ng mamamayan.

Ipipilit aniya niya sa DBM na bukod sa ibalik ang tinapyas na P10 bilyon ay dagdagan pa ang pondo ng DOH.

 

 

Read more...