Bukod dito, nakasaad din sa petisyon ang gusto nilang dagdag P2.80 sa bawat kilometro ng biyahe matapos ang unang apat na kilometro.
Inihain ng Pasang Masda, Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), at Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) ang petisyon.
Kasabay nito, hiniling din nila na aprubahan muna ng LTFRB ang P1 provisional fare hike, kasama na ang pasahe sa modern jeepneys.
Ang lumulubong presyo ng mga produktong-petrolyo ang dahilan ng mga grupo sa kanilang petisyon.
Sinabi ni Obet Martin, pangulo ng Pasang Masda, na batid nila na hindi aaprubahan ang P5 dagdag pasahe at maaring aniya sa negosasyon ay ang mapagkasunduan ay P2.
Sasakupin ang hinihiling na dagdag pasahe ay ang Metro Manila muna at maghahain din ng katulad na petisyon sa Gitnang Luzon at Calabarzon.