Taguig LGU namahagi ng school supplies sa “EMBO” barangays; Lani ipinaliwanag ang scholarship program

Ilang araw lamang matapos tiyakin na magbibigay ng mga gamit pang-eskwela, sinimulan na ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang pamamahagi sa mga mag-aaral ng mga “EMBO” barangays.   Ang school packages, na depende sa grade level, ay binubuo ng bag, daily at PE uniforms, medyas, black shoes, rubber shoes at basic school supplies.   Ang mga Daycare at Kindergarten pupils ay tatangggap ng karagdagang health kits.   Pinamunuan ni Cayetano ang pamamahagi sa Pitogo High School at Upper Bicutan Elementary School.   Sinabi nito na higit sa mga materyal na bagay, ang presensiya ng pamahalaang-lungsod ay patunay ng kanilang kahandaan na suportahan ang mga mag-aaral, para sa kanilang mga pangarap at mithiin sa buhay.   “Handa tayong magkaisa pag ang pinag-uusapan ay ang kanilang future,” ayon sa alkalde.   Pinuri at nagpasalamat naman si Pitogo High School Administrative Officer Dr. Mary Rose Roque sa pamahalaang-lungsod ng Taguig sa pagsasabing; ” it’s a day of significance, a day that we come together to welcome and embrabce change, growth and the promise of the future.”   Kinausap din ni Cayetano ang mga mag-aaral ng naturang paaralan at ipinaliwanag sa mga ito ang mga programa ng Taguig City LGU.   Kasabay nito, inilunsad ni Cayetano ang Lifeline Assistance for Neighbors in-Nee (LANI) Scholarship Program, na aniya ay bukas para sa lahat ng mga estudyante hindi lamang sa mga kabilang sa Top 10 ng klase.   Ang high school graduates ay maaring makatanggap ng P15,000 hanggang P50,000.   Samantala, ang mga nagre-review para sa board at bar exams ay maaring tumanggap ng hanggang P20,000 at karagdagang P50,000 kapag sila ay pumasok sa Top 10 ng sucessful examinees.   Ang programa ay nagbunga na ng higit 3,200 licensed professionals.   Ang mga public at private school teachers na kumukuha ng master’s at doctoral degrees at maaring makatanggap ng P18,000 hanggang P60,000 depende sa kanilang eskuwelahan at ito ay napakinabangan na ng halos 2,000.

Read more...