UK hindi agad maaalis sa EU

londonNilinaw ng mga pinuno ng European Union (EU) na mananatiling miyembro nila ang Britain hanggang sa matapos ang exit negotiations na tinatayang tatagal ng hindi bababa sa dalawang taon.

Ayon sa inilabas na pahayag ng EU leaders, hangga’t hindi natatapos ang negosasyon, dahil mananatili sila bilang miyembro, mananatili rin ang mga karapatan at obligasyong kaakibat nito.

Dagdag pa dito, sinabi rin sa pahayag na magpapatuloy ang pag-iral ng EU laws sa United Kingdom hanggang sa hindi na talaga sila miyembro ng nasabing bloc.

Ang nasabing statement ng EU ay pinirmahan nina European Council President Donald Tusk, European Commission Jean-Claude Juncker, European Parliament President Martin Schulz at Dutch Prime Minister Mark Rutte na kasalukuyang may hawak ng umiikot na presidency ng EU.

Read more...