3 bangkay natagpuan sa Oriental Mindoro

crime-scene-e1400865926320Natagpuan sa bayan ng Bongabong sa Oriental Mindoro ang hindi pa nakikilalang bangkay ng dalawang lalaki at isang babae, Biyernes ng umaga.

Ayon kay Senior Supt. Lawrence Panganiban na acting chief ng Bongabong police, pinara ng ilang mga bata ang sasakyan ni Vice Mayor Richard Candelario dakong alas-8:00 ng umaga para ituro ang nakita nilang duguang bangkay ng tatlong tao sa Sitio Kilometer 7, Brgy. San Juan.

Agad naman itong itinawag ni Candelaria sa mga pulis.

Nang makita ng mga imbestigador ang mga bangkay, nakitaan ang mga ito ng tama ng bala sa kanilang mga ulo na malamang na sanhi ng kanilang pagkamatay.

Dinala sa punerarya sa Bongabong ang mga bangkay para isailalim sa autopsy.

Read more...