Pangulong Marcos binati ng happy birthday si First Lady Liza Marcos

Nagpaabot ng pagbati si  Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang may bahay na si  First Lady Liza Marcos na nagdiriwang ngayon ng kanyang -64 na kaarawan. SA Facebook account ng Pangulo, binati nito ng happy birthday ang First Lady na kanyang tinawag na dearest. ‌ Kalakip ng pagbati ng maligayang kaarawan ay isinabay din ng Pangulo ang kanyang pasasalamat sa kanyang kabiyak. Partikular na pinasasalamatan ng Pangulo ang mga ginawa ng First Lady. Matatandaan na noong nakaraang taon, isang surprised party ang inialay ng Pangulo kay First Lady kasama ang mga anak na sina Congressman Sandro, Simon at Vinny Marcos.

Read more...